Palm Sunday, Christmas, New Year

Palm Sunday ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang dumadami at hindi na magkasya ang mga tao kanina sa simbahan pero dati naman ee hindi naman napupuno yung simbahan namin may mga panahon nga na halos ang konti lang ng mga nagsisimba ee. 

Ang Palm Sunday, Christmas, New Year, ay ilan lamang sa mga special occasions sa Catholic Church. At sa mga occasions na yan iisa lang ang observation ko - biglang dumadami ang nagsisimba. Napapaisip lang ako kasi, bakit kaya ganun yung mga taong yun? kapag hindi na Christmas, Palm Sunday, New Year hindi na dapat magsisimba? Pano nila malalaman kung ano yung mga gustong iparating ng Word of God kung tuwing special occasions lang sila pupunta sa simbahan? Minsan sa mga Ordinary Sunday ng Catholic Church, dun maraming lessons in life na makukuha. Hindi naman pedeng wala kang matutunan sa mass tuwing may special occasions, siyempre meron din. Pero, Pano mae-enlighten yung mga tao kung yung mga occcasions lang na yun ung aattendan nila? 

Alam ko sa sarili ko na may mga sunday din na hindi ako nakaka-attend ng mass kaya parang ang kapal ng mukha kong sabihin to. Pero kapag naman may pagkakataon na makasimba kami ng family ko hindi naman kami nagkukulang.At alam ko rin na may iba’t ibang paraan para mapakita ang faith ng isang tao at para maenlighten ang isang tao. Yung una ay  yung pag-attend regularly ng Sunday Mass hindi lang pag-attend pero yung pakikinig sa Homily at pagre-reflect. Yung pangalawa, yung pagse-serve kay God na bukal sa puso yung hindi ka napipilitan sa ginagawa mo sa pamamagitan ng pagsali sa Choir, Lectors and Commentators, at Altar Servers. At yung pangatlo ay ang pagbabasa ng Bible at pagre-reflect sa binasa kasama na din ang pinaka-importante sa lahat ang Prayers. Dahil sa mga paraan na yan, hindi ko naman masisisi kung hindi lagi sumisimba ang isang tao malay ko ba kung ang iba sa kanila ay nagfo-focus lang sa pagbabasa ng Bible at Prayers? malay ko ba kung sa ibang simbahan sila nagsisimba? Pero pano naman yung ibang tao na wala talagang ginagawa kahit alin dun sa 3 ways?