
TRUE FRIENDS
Ang buong akala ko isa ka na sa mga TRUE FRIENDS ko. Pero dahil sa ginawa mo bigla akong napaisip. Nirerespeto ko kung ano desisyon mo pero nakakainis lang kasi ako ginagawan ko ng paraan lahat para lang sa mga kaibigan ko kahit may mga ibang taong naapektuhan pero ikaw dahil sa isang maliit na pagbabago isusuko mo lahat ng meron sa atin. Pag may mga kailangan ka sa kin ginagawa ko ang lahat para matulungan ka tapos bigla mo kong iiwan sa ere. Grabe ka naman. Hindi lang yan, meron pang iba.Di bale,kahit ganyan ka wag kang mag-alala, kaibigan pa rin naman kita pero wag kang umasa na katulad pa din ako ng dati na isasakripisyo ang lahat para sayo. Wag kang magagalit kasi ikaw ang gumawa ng rason kung bakit ganito ako ngayon.
BABIES!! :D
Mahilig ako sa mga bata :) Nakakatuwa kasi sila. Mahal na mahal ko sila at alam kong Mahal na mahal din nila ko. :))) Kaya ko nasabi to kasi tuwing nakikita nila ko. yung tipong mag-HI lang ako sa kanila tatawa na agad sila tapos maya maya sasama na sila sa kin tapos maglalaro na kami.
Ipapakilala ko sa inyo yung iba sa kanila:
1ST PICTURE. LANCE - Etong si Lance :)) ang pogi pogi niya…. super cute :) sobrang kalaro ko siya. Pag minsan nga ee makita lang niya ko bigla lang siyang tatawa. At halos sa kin lang siya sumasama :))) Andito sila simula nung Wednesday at kakaalis lang nila kanina. Sobrang nag-eenjoy ako pag kalaro ko siya. Kahit napapagod ako sa kanya:)) Dahil nga umalis na sila kanina sobrang mami-miss ko siya :D
2ND PICTURE. SEAN- Si Sean naman pinsan siya ni Lance :) haha. Ang kulit kulit niya. Malikot. Maloko. Pero sobrang nakakatawa. Pag nagpupunta siya dito sa bahay lagi kami naglalaro ng ball at ng ferrari na kotse. :))) Hindi ko pa ulit siya nakikita after ng Birthday ni Nanay kaya Miss ko na din Siya :)))
3RD PICTURE. WENDY - Si Wendy nung una lagi siya umiiyak pag nakikita niya ko :))) dati yun :)) pero ngayon lagi na siyang sumasama sa kin. at naglalaro din kami. :)) Katabi lang ng bahay nila yung bahay ni Nanay :) Grabe yung ngipin niya parang vampire hahaha.. at ang cute niya pag sinabi mo sa kanya na patingin ng teeth niya ipapakita niya talaga :)))
4TH PICTURE. JAYDEN - Eto namang si Jayden. haha. Madalas ko siyang kalaro kapag boksing :))) Lagi rin siya natatawa sa min ni Ivan. Para sa kin my future tong si Jayden pag dating sa boksing :))) Ang sakit niya kasi manuntok ee :)))
5TH PICTURE. MATTHEW- Si Matthew naman hindi ko siya laging kalaro pero sobrang natutuwa ako sa kanya kasi sobrang talino niya. Yung iba niyang pinsan na halos ka-age niya laging naglalaro. Pero siya, sobrang saya at sasabayan pa niya yung alphabet song kapag naririnig niya :))) Mag-3 yrs. old pa lang siya pero andami na niyang alam na alphabet songs. Sobrang cute lang. :)))
6TH PICTURE. AUDREY JOYCE - Si Joyce naman malapit lang sila dito sa min. :))) sobrang kalaro ko to. Makulit, Mataray, Madaldal pero NAKAKATUWA :)))) Kahit makulit siya. Nag-eenjoy akong kalaro siya kasi ang daldal niya ee :))) Lagi siyang sumasama sa kin at Nakikinig siya sa kin :))) pag nanonood kami uulit-ulitin niya lahat ng naririnig niya :)))) Sobrang nakaka-enjoy siyang kasama :)))
Ang mga babies na ito yung mga lagi kong kalaro. :) laging sumasama sa kin. :))) Ilan lang sila sa mga bata na kalaro ko. Sila lang yung mga babies kasi baka sobrang haba na ng post na to. :)))
Malaki silang Part ng buhay ko. :) tuwing kasama ko sila lagi silang masaya. :) kaya ako lagi rin akong sumasaya :) nakakahawa kasi sila ee :))
Grabe. Sana pag lumaki na sila maging magkalaro pa rin kami. :)))
FORGIVENESS
Ako yung tipo ng tao na madali mag-forgive kapag may kasalanan sa kin ang kaibigan ko. Kahit sobrang nasaktan ako basta nag-sorry ang kaibigan ko pinapatawad ko agad. Hindi ko maintindihan kung bakit kapag ako ang may kasalanan sa kaibigan ko, kahit na hindi naman ganun kasakit at hindi ko intensyong mangyari yung kasalanan ko, hindi sapat ang isang sorry. Napakadami ko pang kailangang gawin para lang mapatawad ako.
Alam ko na iba’t iba lahat ng tao sa mundong to. may iba’t ibang paraan kung pano mag-patawad. Kaya lang naman pumasok sa isip ko to kasi naiirita ako kasi madalas kong nararanasan to sa iba kong kaibigan. Ang gusto ko lang naman ee gawin nila sa akin ang mga ginagawa ko para sa kanila. para sa kin wala namang mawawala ee
Palm Sunday, Christmas, New Year
Palm Sunday ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang dumadami at hindi na magkasya ang mga tao kanina sa simbahan pero dati naman ee hindi naman napupuno yung simbahan namin may mga panahon nga na halos ang konti lang ng mga nagsisimba ee.
Ang Palm Sunday, Christmas, New Year, ay ilan lamang sa mga special occasions sa Catholic Church. At sa mga occasions na yan iisa lang ang observation ko - biglang dumadami ang nagsisimba. Napapaisip lang ako kasi, bakit kaya ganun yung mga taong yun? kapag hindi na Christmas, Palm Sunday, New Year hindi na dapat magsisimba? Pano nila malalaman kung ano yung mga gustong iparating ng Word of God kung tuwing special occasions lang sila pupunta sa simbahan? Minsan sa mga Ordinary Sunday ng Catholic Church, dun maraming lessons in life na makukuha. Hindi naman pedeng wala kang matutunan sa mass tuwing may special occasions, siyempre meron din. Pero, Pano mae-enlighten yung mga tao kung yung mga occcasions lang na yun ung aattendan nila?
Alam ko sa sarili ko na may mga sunday din na hindi ako nakaka-attend ng mass kaya parang ang kapal ng mukha kong sabihin to. Pero kapag naman may pagkakataon na makasimba kami ng family ko hindi naman kami nagkukulang.At alam ko rin na may iba’t ibang paraan para mapakita ang faith ng isang tao at para maenlighten ang isang tao. Yung una ay yung pag-attend regularly ng Sunday Mass hindi lang pag-attend pero yung pakikinig sa Homily at pagre-reflect. Yung pangalawa, yung pagse-serve kay God na bukal sa puso yung hindi ka napipilitan sa ginagawa mo sa pamamagitan ng pagsali sa Choir, Lectors and Commentators, at Altar Servers. At yung pangatlo ay ang pagbabasa ng Bible at pagre-reflect sa binasa kasama na din ang pinaka-importante sa lahat ang Prayers. Dahil sa mga paraan na yan, hindi ko naman masisisi kung hindi lagi sumisimba ang isang tao malay ko ba kung ang iba sa kanila ay nagfo-focus lang sa pagbabasa ng Bible at Prayers? malay ko ba kung sa ibang simbahan sila nagsisimba? Pero pano naman yung ibang tao na wala talagang ginagawa kahit alin dun sa 3 ways?
Don’t be so affected on what other people say especially if it is not about you. Just focus on the things ahead of you
(Source: imgfave)
Bitter posts sa mga taong may DSLR. →
Ito yung isa sa mga nakakakuha ng atensyon ko. Yung mga taong sasabihin na
- Di porket may DSLR ka na eh Photographer ka na.
- Hindi ka daw photographer meron ka lang overpriced Camera.
- Nag DSLR ka pa eh automatic lang naman ang mode ng Camera mo.
- Nag DSLR ka pa hindi ka naman marunong mag photoshop.
- Kaya may CAMERA BAG para dun ilagay ang CAMERA at hindi para IKWINTAS.
- Ano yang DSLR mo? BLING BLING?! KAYA NAKASABIT SA LEEG MO?
- At sobra dami pang paninira sa mga taong may DSLR din.
Una, Nakakalungkot na imbis suportahan yung mga taong sa tingin nila eh nahihirapan sa DSLR eh sila pa tong sobrang makapanira. Hindi ba kayo masaya sa mga taong nakabili ng DSLR? Na pinaghirapan ng magulang nila yun, na malay mo bigay lang sa kanila yun, na malay mo reward sa kanila dahil nakakuha sila ng Honor. In short pinaghirapan.
Pangalawa, lahat naman sigurp eh naging first timer sa camera, malay mo kinakapa pa lang nila? Malay mo kakabili lang at kaya nga binili eh para mag-aral? Malay mo yun pala ang kurso niya in the future kaya binilhan siya. Eh sa afford ng magulang niya bumili ng DSLR eh bakit nga naman hindi diba? Hirap sa ibang tao, husga ng husga, palaging nagmamagaling. May kanya kanya namang Point of Views bakit sila bumili o bakit sila gumagamit ng DSLR.
Pangatlo, eh kung tinutulungan na lang sila at pinapalakas ang loob nila, kapag nakakita yung mga hindi marurunong gumamit ng DSLR pero meron tapos nakita yung mga bitter posts sa camera na yan eh baka mawalan sila ng gana matuto? Baka makaapekto yun sa interes nila sa bagay na yun? Bakit hindi na lang suportahan ang mga ito? Compliment mo yung shot nila or mag comment ka sa mga shots nila para may matutunan pa sila.
Pang huli, minsan naisip mo ba bakit nakasabit yung mga DSLR nung ibang tao sa kanila? Eh malay mo may magandang kuha, or magandang scene na almost 5 secs lang ang chance mo makuha. Eh kung nasa leeg mo ang camera, makaka point and shoot ka lang agad. Ang hassle kasi kapag nilalagay, inaalis, nilalagay, at inaalis mo ulit yung camera mo sa camera bag mo. Napaka time consuming, in short nakaka stress. Kung pwede namang isabit para makakuha agad diba? Tska pake mo ba kung gusto nilang ipagyabang. MERON SILA EH!!! Sino ba ang taong hindi matutuwa kapag may DSLR na?
At patungkol sa mga naka automatic ang settings, pwede naman ah? Kung casual event lang naman yun, bakit kailangan mo pa lagyan ng settings? Kung ang tanging aim lang naman eh ma cover yung event, yung mga simpleng salo-salo. Hindi mo naman i sesend sa magazine yan para magkaroon ng requirements na settings, requirements na ilaw, etc.
Hirap sa ibang tao eh, ang galing mag marunong. Gusto ata nila sila lang magaling, sila lang ang may camera, sila lang ang may photographer. Iba na teknolohiya ngayon Girl and Boy! Halos lahat na ng lumalabas ngayon eh DSLR na. \
Kung magaling ka sa LOMO edi good! Kung magaling ka sa Film, edi good! As long na kumukuha at gustong kumuha ng tao ng litrato kahit cellphone picture pa yan eh walang masama.
Go with the flow ka na lang~
Suportahan mo na lang ang lahat ng taong may camera.


